ISIS-Maute kay Duterte: Payagang pumagitna ang MILF para matapos ang Marawi siege

CAGAYAN DE ORO CITY – Hinahamon umano ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria)-Maute leader na si Abdullah Maute si Pangulong Rodrigo Duterte na madaliin na sila na pulbusin kung ito ang ninanais ng gobyerno.

Ito ang mapangahas na mensahe ni Maute sa ginagalang nila na Muslim leader na si Aghakan Shariff alyas Bin Laden nang makapasok siya sa kuta ng mga terorista noong tinapos ang pag-obserba ng Ramadan sa Marawi City.



Sinabi umano ni Abdullah na kung talagang gusto ng gobyerno na magkaroon ng kapayapaan, ay hayaan ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na makapasok sa negosasyon para matigil ang karahasan.



Kaugnay nito, sinabi naman ni Presidential on the Peace Process Adviser Secretary Jesus Dureza na kinikilala ng gobyerno ang pagsisikap para mailigtas ang mga naiipit pang sibilyan sa war zone.

Subalit iginiit nito ang paninindigan ni Presidente Rodrigo Duterte na hindi kailanman makikipagnegosasyon sa panig ng mga terorista.

Tumanggi rin ang kalihim na bigyang kasagutan ang pag-uusap ni Shariff kay Abdullah sa loob ng war zone noong ipinatupad ng militar ang “huminatarian pause” sa Marawi City.

Una na ring nagsanib puwersa ang mga kinatawan ng gobyerno at MILF upang mabuo ang peace corridor na nasa likod ng maraming rescue efforts ng mga naiipit na sibilyan sa loob ng war zone simula magkagulo ang Marawi City.

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Maharlikano.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

share on facebook
Loading...
Powered by Blogger.