17 yrs old na Dalagita ilang Beses na Ginahasa ng Pari sa Leyte
Sa panayam nitong Sabado, sinabi ni Isabelita Islabon, municipal social welfare officer, na hindi nila matagpuan ngayon ang nagreklamong dalagita at maging ang ina nito.
Noong Hunyo 24, nagtungo ang mag-ina sa himpilan ng pulisya sa Tubay para ipagbigay-alam ang umano’y panghahalay na ginawa ng pari sa dalagita noong Pebrero at Marso 2011.
“We met with the mother and the girl on June 24. They were accompanied by women's group Gabriela-Caraga Region Secretary General Atel Hijos. We even discussed plans about what to do with their allegations Fr. Raul Cabonce, our parish priest. But after that meeting, I could no longer contact them," ayon kay Islabon.
Pinuntahan din umano ng grupo ang Missionary Sisters of Mary (MSM) convent sa Kilometer 4, Barangay Ba-an, Butuan City, kunsaan pansamantalang tumutuloy ang mag-ina.
Pero ayon umano sa namumuno sa kumbento na si Sister Rachel Sarigumba, umalis na sa kanilang pangangalaga ang mag-ina matapos humingi ng permiso na uuwi sa kanilang bahay sa bayan ng Las Nieves.
Sinubukan pero nabigo ang GMA News Online na makausap si MSM spokesperson Sister Annie Ocer.
Sinabi ni Islabon na ipinaalam din sa kanila ni Hijos na wala rin sa Gabriela ang mag-ina.
Nakatakda sanang isailalim sa medical examination ang dalagita noong Hunyo 27, pero hindi umano ito nagpakita.
Una rito, inakusahan ng dalagita si Fr. Cabonce na humalay sa kanya noong Pebrero 3 at Marso 14. Naganap umano ang pagsasamantala sa biktima sa Tubay parish convent kung saan ito nagtatrabaho kapalit ng libreng pag-aaral sa high school. -
Source: GMA
Loading...
*