Girlfriend binaril ang boyfriend para umano sumikat sa social media
Kulong si Monalisa Perez, 19-anyos matapos nitong barilin ang kasintahang si Pedro Ruiz sa bahagi ng dibdib nito sa paniniwalang pipigilan nito ang bala gamit ang isang libro.

Ayon sa awtoridad, hardcover encyclopedia ang ginamit sa panangga sana sa bala, habang .50-calibre Desert Eagle handgun naman ang baril na ginamit.
Kinuha din ng mga pulis ang dalawang camera na ginamit sa pag-record ng mga video.
Ayon naman sa tiyahin ni Ruiz, na kasama nila noong araw ng insidente, sinabi nila na ginawa nila ang stunt para tumaas ang bilang ng kanilang followers sa YouTube at para sumikat.
Sinubukan din umano nitong pigilan ang kanilang balak, ngunit mahal nila ang isa’t-isa, at sinabing, “it was just a prank gone wrong.”
Nasaksihan din ng kanilang tatlong taong gulang na anak ang nangyari.(BBC
Loading...
*