Duterte, maraming magandang nagawa -VP Leni

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na maraming nagawang maganda si Pangulong Rodrigo Duterte sa unang taon nito bilang presidente ng Pilipinas.



Bagamat may ilang pagkukulang ay kaya naman umano itong mapagtulungan dahil ang tagumpay ng administrasyon ay para rin naman sa ikabubuti ng
lahat.



Aniya pa, tila unfair kay Duterte kung bibigyan niya ito ng grado lalo na at parehas lang naman silang naupo sa pwesto sa parehas na araw noong nakaraang taon.

Binigyang diin naman ng bise presidente na marami pa ring dapat gawin ang pamahalaan kahit pa marami nang magagandang programa ang naipatupad.

Obligasyon rin aniya ng lahat na tulungan ang pangulo para mas maging matagumpay ang pamumuno nito.

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Maharlikano.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

share on facebook
Loading...
Powered by Blogger.