Serye ng pagdukot at pagpatay sa SJDM, Bulacan, ikinatatakot na ng ilang residente
Hindi maiwasan na mangamba ng ilang residente sa San Jose del Monte sa Bulacan na baka sila naman ang sunod na dukutin o pasukin sa bahay at patayin ng isang grupo ng mga lalaking naka-bonnet at gumagamit ng puting van na itinuturong nasa likod ng serye ng patayan sa nasabing bayan.
Sa nakalipas na ilang linggo, ilang bangkay ang nakita sa iba't ibang lugar sa San Jose Del Monte na may tama ng bala ng baril, ayon sa ulat ng GMA News TV's "QRT" nitong Biyernes.
Ang mga biktima, pawang iniuugnay sa droga tulad ng pitong bangkay na nakita sa magkakahiwalay na barangay noong Agosto 25.
Kabilang sa mga biktima si Marjorie Terceño, na dinukot ng apat na lalaki sa barangay Minuyan at isinakay sa puting van na walang plaka.
Kasamang dinukot ni Terceño si Dennis Igno.
Kinabukasan ng umaga, natagpuan sa magkahiwalay na barangay ang bangkay nina Terceño at Igno.
Limang bangkay pa ang nakita nang araw na iyon sa iba pang barangay ng nasabing bayan.
Ang isa pa sa mga biktima na si Vergel Dimal, sinaksak umano sa leeg at inalisan pa ng ari ng mga salarin na pawang naka-bonnet din umano at gumamit ng puting van.
Hindi naman gaya ng ibang biktima, mapalad si John, hindi niya tunay na pangalan, dahil nang pasukin ng mga lalaki na naka-bonnet ang kaniyang bahay noong Aug. 30, nakapagtago siya at nakalabas kaya hindi siya nakuha ng mga lalaking naka-bonnet din umano at sumakay sa puting sasakyan na walang plaka.
Hindi naman kalayuan sa lugar kung saan ibinurol si Terceño, pinasok din ng mga lalaking naka-bonnet ang bahay at pinatay si Clifford Perez noong madaling-araw ng Setyembre 5.
Ayon sa mga nakakita, nakasakay rin daw sa van na walang plate number at nakatakip ang mukha ng mga salarin.
Ganito rin ang diskripsyon sa bumaril at pumatay sa pulis-Bulacan na si PO1 Alvino Abil sa barangay Gumaok Central habang nasa isang lamay noong gabi ng September 9.
Si Abil ang pulis na sinasabing nakunan sa video na gumagamit umano ng iligal na droga.
Dahil sa sunod-sunod na insidenteng ito, natatakot na ang ilang residente dahil tila nagiging pangkaraniwan na lang umano ang ginawang pagpasok sa bahay ng mga salarin na dudukutin o papatayin ang tao na kanilang pakay.
Maging ang puting van na ginagamit sa krimen ay nagiging legal na rin daw ang pag-ikot sa lugar.
Pero pagtiyak ni PNP-Bulacan Provincial Director Senior Superintendent Romeo Caramat, aatasan niya ang mga tauhan na dagdagan pa ang ginawa para mahuli ang nasa likod ng mga pumapatay sa mga taong iniuugnay sa droga.
Iginiit niya na hindi sangkot ang mga pulis sa tinatawag na extra judicial killings.
Ang San Jose Del Monte umano ang may naitalang pinakamataas na bilang ng "deaths under investigation" sa buong lalawigan ng Bulacan mula nitong July 1, ayon sa ulat.
Source: GMA

Loading...
*