Half Pinay na tadtad ng nunal, proud sa pag-audition sa Miss U-Malaysia 2018

Wala nang balak ang half-Pinay aspiring beauty queen na si Evita Delmundo na ipatanggal ang mga nunal sa kanyang buong katawan kasabay ng determinasyon na makamit ang pangarap.



Sa panayam ng lifestyle magazine na Elle, ibinida ng 20-year-old Fil-Malaysian na si Delmundo ang ginawang pag-audition sa Miss Universe Malaysia 2018 sa pamamagitan ng pag-post ng kanyang larawan.

Ayon kay Evita, sa una talaga ay nais niyang ipatanggal ang mga nunal dahil ayaw nang mabansagan bilang “monster.”



Pero binalaan daw siya ng mga doktor na magiging banta ito sa kanyang kalusugan kaya piniling tanggapin ang pisikal na anyo.

“So I just had to accept that this is the body I’ve been given. But now I’m grateful I didn’t change anything,” saad nito.

Batay sa report, si Evita ay may dugong Pinoy na kabilang sa ethnic group na Rungus na nakatira sa Sabah, Malaysia.

Napag-alaman na kinuha mismo ng Miss Universe organization ang istorya ng buhay ni Delmundo para sa kanilang official website.

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Maharlikano.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

share on facebook
Loading...
Powered by Blogger.