Unang taon ni Pang. Duterte, bingyan ng bagsak na grado ng isang kongresista
Subalit iginiit ng kongresista na marami pa ring kailangan na i-improve ang punong ehikutibo sa performance nito.
Sa ngayon aniya ay bibigyan niya ng 4 out of 10 na grado si Pangulong Duterte dahil umano sa mga “downside” ng administrasyon sa nakalipas na isang taon.
Kabilang na raw dito ang madugong kampanya kontra iligal na droga at mga paglabag sa karapatang pantao.
Iginiit ng kongresista na bagamat suportado niya ang hakbang sa paglaban kontra iligal na droga, mali naman umano ang pamamaraan na ginamit dito ng kasalukuyang administrayon.
Sa kabila ng ibinigay na mababang grado, pinuri naman ni Baguilat si Pangulong Duterte sa pagpapalakas nito sa diplomatic ties ng Pilipinas sa ibang bansa, partikular sa China at Russia.
Pero hindi aniya ito dapat makapagdulot ng negatibong epekto sa iba pang major partners ng bansa katulad na lamang sa Estados Unidos at European Union.
Kapuri-puri naman din daw ang ginagawang hakbang ni Pangulong Duterte sa muling paggulong ng peace talks, gayundin ang economic agenda ng administrasyon na naglalayong masawata ang kahirapan at ma-promote ang inclusive growth.
“It was commendable that the government has said it would build on the gains of the previous administration for faster growth,” ani Baguilat.
Maliban dito, pinuri rin ng lider ng tinaguriang Magnificent Seven ng Kamara ang infrastructure development program ng Duterte administration.
“One year of course is not enough to assess an administration’s achievement versus promises. But on the basis of his mantra that change is coming, the change has not been encouraging,” sambit ni Baguilat.
Loading...
*