'Pagkasira ng Marawi, tulad na sa Aleppo at Mosul'
Maihahalintulad na umano sa pagkawasak ng Syria, Aleppo at Mosul at iba pang mga bansang nakakaranas rin ng matinding digmaan ang danyos na natamo ng Marawi City.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Restituto Padilla, dahil sa matinding bakbakan ng mga militar at Maute group ay halos masira na ang higit sa kalahating mga ari-arian na naiwan ng mga residente ng lungsod.
Sa katunayan, hanggang ngayon ay mayroon pa umanong mga iniwang bomba ang teroristang grupo sa bawat tahanan o gusali sa Marawi na nagsisilbing pain ng mga ito sa sinumang magtatangkang pumasok sa kanilang mga pinagkukutaan.
Ito umano ang dahilan kung bakit ganon na lang ang pag-iingat ng tropa ng gobyerno sa ginagawang clearing operations sa lungsod.

Loading...
*