MILF, sasali na sa war on drugs campaign
Sasali na sa pinaigting na war on drugs campaign ng administrasyon ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at inaasahan nang lalagda ng kasunduan ang dalawang panig para sa magiging papel ng grupo sa naturang kampanya.
Ito ang inihayag ni Isidro Lapeña, director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong araw kung saan lalagda ang MILF at ang gobyerno ng protocol of cooperation para patatagin pa ang anti-drug operations sa mga lugar na hawak ng grupo.
Ayon kay Lapeña, sa pamamagitan nito maaabot na ng gobyerno ang mga lugar na apektado ng ilang dekada nang kaguluhan dahil hindi ito mapasok ng tropa militar dahil maaring pumutok ang karahasan doon.
Dagdag pa ng opisyal, mismong ang MILF ang nag-alok kay Pangulong Rodrigo Duterte na sumali sila sa anti-drug war dahil common interest umano ng gobyerno at ng grupo ang pagsugpo sa iligal na droga kung saan apektado ang nasa apat na milyong Pilipino at welcome naman ito sa administrasyon.

Loading...
*