Isnilon Hapilon, 'duwag' -Palasyo
Hindi rin makumpirma ng Palasyo kung patay na ba o nakatakas ba ang Abu Sayyaf leader at itinuturing na "emir" ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon sa Marawi City.

Sa press briefing sa Malacañang ay sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na mananatiling 'raw information' at kinakailangan pang i-validate ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang security agencies ang tunay na kinaroroonan ng ASG lider.
Ngunit giit ni Abella, kung totoo man na tumakas nga si Hapilon palabas ng Marawi ay nagpapatunay lamang na duwag ito dahil nagawa nitong abandonahin ang kanyang mga kasama.
Dahil dito, malaki aniya ang posibilidad na talagang humihina na ang pwersa ng teroristang grupo.
Loading...
*