Hindi lahat ng Maranaos konektado sa ISIS - tribe leader

Umapela sa publiko ang isang Maranao tribe leader sa Davao City na huwag husgahan ang mga tribo bilang teorista.

Ayon kay Maranao deputy mayor Randy Usman, hindi naman kasi lahat ng tribo ay konektado sa ISIS o Maute Group.


Sa halip iginiit ni Usman na kung tutuusin ay kailangan ng tulong at pag-unawa ang mga residente ng Marawi.



Kasabay nito ay hinimok ni Usman ang taumbayan na magkaisa at tulungan ang mga kababayang Muslim na naiipit sa bakbakan sa Marawi.

Paliwanag pa ng Maranao deputy mayor, sinuman ay maaaring magtungo sa kanilang barangay upang magbigay ng donasyon tulad ng pagkain, damit lalo na ang panalangin.

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Maharlikano.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

share on facebook
Loading...
Powered by Blogger.