Guro, nagpakamatay matapos ipahiya sa FB dahil sa utang



Kidapawan City- Nagpatiwakal ang isang guro matapos ipahiya sa Facebook ng kanyang pinagkakautang sa Barangay Kilada sa bayan sa Matalam kaninang umaga.

Kinilala ni PCI Sunny Leoncito ang hepe ng Matalam PNP ang biktimang si Jay art Autor, isang guro sa pribadong paraalan sa nasabing bayan.
Ayon sa otoridad na itinali muna ng biktima sa kanyang leeg ang lubid saka tumalon sa kanyang boarding house.



Ayon sa mga kaibigan ng guro na dahilan ng pagpakamatay nito ang pagpapahiya sa kanya ng mga taong pinagkakautangan nito.



Hindi umano kinaya ng guro ang subrang kahihiyan matapos itong ipost sa facebook ang kanyang mukha at ang hindi nito pagbabayad ng utang nito.

Dagdag pa sa post sa FB na kung hindi parin ito magpapakita at magbabayad ay ilalagay sa mga poste sa kalsada ang pagmumukha nito.

Samantala kasulukayan pa ang imbestigasyon ng otoridad kung may foul play sa pagkamatay ng guro.

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Maharlikano.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

share on facebook
Loading...
Powered by Blogger.