GRO sa Antique, pinatay ng kustomer dahil sa hindi pagkakasundo sa bayad

ILOILO CITY – Sinampahan na ng kaso ang dalawang suspek sa pagpatay sa isang Guest Relation Officer (GRO) sa bayan ng Patnongon, Antique.

Ang biktima ay kinilalang si Shiela Mae Magluyan ng Ticud, Lapaz, Iloilo City, at nagtatrabaho bilang GRO sa KTV Bar sa Barangay Igbarawan sa nasabing bayan.


Sa panayam kay Police Inspector Felix Perez, hepe ng Patnongon Municipal Police Station, sinabi nito na nagkasagutan ang biktima at ang suspek dahil kulang umano ang bayad ng salarin.



Nang pauwi na ang biktima sa kanyang tinutuluyang bahay, nadaanan ito ng mga suspek at hinampas ng bato sa ulo na sanhi ng pagkamatay.

Samantala, ayon naman sa kapatid ng biktima na si Stephanie Panagdato, bago pa man ang insidente ay may pangitain na ang kanyang kapatid na mamamatay ito.

Ayon kay Panagdato, sinabihan ito ng biktima na hindi na nito matatanggap pa ang pinapadala nilang pera dahil mamamatay na ito.

Nakiusap din ang biktima sa kanyang kapatid na kunin ang kanyang bangkay sa Antique kung mamamatay na ito.

Sa ngayon, nananatiling at large ang isa sa dalawang suspek na pumaslang sa biktima.

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Maharlikano.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

share on facebook
Loading...
Powered by Blogger.