De Lima arraignment, ipinagpaliban; himutok, mensahe sa Duterte yr 1
Hindi natuloy ang pagbasa ng sakdal ngayong araw kay Sen. Leila de Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205 para sa drug related cases na kinakaharap nito.
Nabatid na may mga nakabinbin pang usapin sa hukuman na maaaring makaapekto sa kaso kaya itinakda na lang ang arraignment sa Agosto 18, 2017.
Kanina ay personal na humarap si De Lima sa sala ni Judge Amelia Fabros-Corpuz.
Habang sa labas naman ay nagpakita ng suporta ang ilang personalidad na nagbitbit pa ng banner at nakasuot ng itim na damit bilang pakikiisa sa human rights advocacy ng nakakulong na senadora.
Hindi naman napigilan ni De Lima na maglabas ng himutok, bilang mensahe sa unang taon sa tungkulin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Para sa mambabatas, ang isang taon ng pangulo ay isang taon din ng kawalang katarungan lalo na para sa kaniyang panig.

Loading...
*