Ama ng scout ranger mula Tacloban, ‘shocked’ sa kabayanihan ng anak kontra Maute
Ayon sa retired police na si Anthony Gemaol, ang pagkakaalam niya ay naka-aassign ang kanyang 27-anyos na anak na si Scount Ranger 1/Lt. Gem kee Gemaol sa Mindanao pero hindi sa Marawi City.
Nalaman nalang niya ito nang mabasa kamakailan sa blog post ang naging kabayanihan ni Lt. Gemaol.

Napag-alaman na maliban sa pakipagbakbakan, kabilang din si 1/Lt. Gem kee Gemaol sa nanguna para ma-rescue ang tropa ng 5th Mechanized Infantry Batallion na naipit sa sagupaan sa Barangay Marinaut, Marawi City.
Kahit na napapaligiran sila ng teroristang grupo, ipinakita ni Lt. Gemaol ang stability under pressure at kahanga-hangang combat leadership sa naturang misyon at ipinagmalaki niya ang kanyang motto na “stay cool.”
Matapos ang tatlong araw na pagkakaipit sa engkuwentro, matagumpay nitong naisalba ang kanilang kasamahang sundalo.
Ayon sa amang si Anthony, bagama’t huli na nang ito ay malaman ay sobrang proud pa rin ito sa kabayinahan ng kanyang anak.
Loading...
*