Aeta, na UP grad, proud na suot ang 'bahag' sa pagtanggap ng diploma
Proud na umakyat ng entablado ang kauna-unahang Aeta na nakapagtapos sa University of the Philippines – Manila (UP-Manila).
Si Norman King ng Mabalacat, Pampanga, ay nagtapos ng kursong Bachelor of Arts, Major in Behavioral Sciences.
Bahag na tradisyunal na kasuotan ng mga Aeta ang suot ni King sa kanyang pag-akyat sa entablado para tanggapin ang kanyang diploma.
Labis naman na ikinatuwa ng pamilya ni King ang karangalang nakamit ng kauna-unahang Aeta para sa kanilang katutubo kung saan ito ay makapagtapos ng kolehiyo sa unibersidad.
Samantala, hindi naman umano naging madali ang mga pagsubok na dumaan sa kanya habang nag-aaral pero nalampasan at napagtagumpayan naman umano niya ito.
Tiniyak naman ni King na tutulong umano siya sa kanyang kapwa katutubo maging sa kanilang kumunidad.

Loading...
*