Palasyo, manaliit ang rape threat issue vs militar

Minaliit lamang ng Malacanang ang alegasyon ng grupong Gabriela hinggil sa umano'y pagbabanta ng panggagahasa ng mga sundalo sa mga kababaihan sa Marawi.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, kumpiyansa ang gobyerno na nananatili ang mataas na respeto ng mga sundalo sa karapatang pantao at sa rule of law, lalong lalo na sa mga kababaihan.
Tiniyak ng tagapagsalita na "law-based" ang lahat ng kilos ng sandatahang lakas kung saan palaging ipinagpapauna ang kapakanan ng mga sibilyan.
Bukod pa rito, nakatuon aniya ang buong pansin ng mga sundalo sa pagsugpo sa terorismo kaya't malabo aniyang mangyari ang ibinabatong bintang sa kanila.
Una nang napaulat na wala pang naitatalang human rights violation sa panig ng militar simula nang ipatupad ang Martial Law sa Mindanao na sinang ayunan din ng Commission on Human Rights.
Loading...
*