5 katao na may apelyidong Maute, hinarang sa Maguindanao
Siyam na indibidwal ang hinarang sa isang checkpoint sa Brgy. Macaguiling, Sultan Kudarat, Maguindanao kung saan lima rito ang may apelyidong Maute.
Napansin sa identification cards ng limang indibidwal ang kanilang apelyido na kahintulad ng sa terorista na Maute Group.
Kwento ni Sr. Supt. James Allan Logan ng Criminal Investigation and Detection Group sa ARMM, galing Cotabato ang mga ito sakay ng itim na Toyota Innova na may plakang MEX 811.
Kinilala ang ilan sa mga ito na sina Alimatar Guro Maute, Mohamad Ali Maute, Apok Pili Maute, Saida guro Maute.
Ayon sa kanila, nagmula sila sa ARMM compound para mag-apply ng NBI clearance.
Nakapagpakita rin naman ang mga ito ng pruweba o resibo na nagpapakitang sa susunod na linggo na mailalabas ang kanilang mga clearance.
Sa ngayon ay kinukumpirma pang mabuti ng mga otoridad ang totoong pagkakakilanlan ng mga ito.

Loading...
*