14-anyos na dalagita, ginahasa umano ng mayor, hepe at barangay chairman




Sinampahan ng reklamong rape ng National Bureau of Investigation (NBI) ang alkalde ng Balayan, Batangas dahil sa panghahalay umano 14-anyos na babaeng estudyante.

Pati ang dating hepe ng pulisya sa nabanggit na bayan at isang kapitan ng barangay, hinalay din daw ang biktima.
Sa ulat ni John Consulta sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing pinuntahan ng mga operatiba ng NBI ang isang motel sa Balayan at sinuri kung saan dinala umano ni Balayan mayor Romeo Fronda Jr. ang dalagita at ginahasa noong June 24, 2016.

Sa sinumpaang salaysay ng biktima, ikinuwento nito na nagkita umano sila ng alkalde noong June 24 sa isang pagtitipon ng kanilang youth organization sa Balayan na sinasabing naging sponsor si Fronda.
Inaya umano siya ng alkalde na lumabas silang dalawa at kinahapunan ay nakatannggap siya ng text message at sinabihan na magkita sila sa isang lugar.
Sumunod na nito ang pagdala umano sa kaniya sa isang motel at doon na siya pinilit makipagtalik.




Ayon sa biktima, sinubukan niyang tumanggi pero pinilit pa rin umano siya ng alkalde at nangyari na ang pang-aabuso.

Pagkatapos umano siyang halayin, ibinalik siya ng biktima kung saan siya sinundo at binigyan ng P2,000.00.
Sinubukan ng GMA News na makuha ang pahayag ni Fronda pero hindi umano ito humarap, ayon sa ulat.








PATI SI HEPE AT KAPITAN

Kasamang kinasuhan din ng NBI ang dating chief of police ng Balayan na si Police Chief Inspector Christopher Guste at barangay captain Romeo Erilla, dahil sa pang-aabuso rin umano sa biktima sa magkakaibang araw.

Ayon sa biktima, hinalay umano siya ni Guste noong July 8, o ilang araw lang matapos pagsamantalahan ng alkalde.

Binigyan umano siya ni Guste ng P400 matapos na abusuhin.
Samantala, tatlong beses naman umanong inabuso ni Erilla ang dalagita na nangyari noong July 3, July 20, at August 3, 2016.

Ayon sa ulat, hindi sumasagot sina Guste at Erilla sa hiling ng GMA News na makuha ang kanilang panig kaugnay ng alegasyon ng dalagita.

Nasa pangangalaga ngayon ng Department of Social Welfare and Development ang biktima.
Sinabi naman ng NBI na matapos ihain ang reklamong rape laban kay Fronda at qualified seduction laban kina Guste at Erilla sa Department of Justice, isasampa naman nila ang kasong administratobo laban sa mga nabanggit na opisyal sa Office of the Ombudsman sa Huwebes.

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Maharlikano.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

share on facebook
Loading...
Powered by Blogger.